Friday, May 7, 2010

Eraser...An old story I wrote long time ago

ERASER


Taong 1987 nang manirahan ang pamilya Magada sa Poblacion, San Agustin, Romblon. Nagmula sila sa barrio ng Doña Juana. Apat ang naging anak ng mag- asawang Magada na kapwa guro sa hayskul. Lahant ng anak nila'y nag- aaral sa San Agustin Central Elementary School. Limang taon na ang nakalipas nang sila'y lumipat sa bayan. Nasa Grade 1 na ang bunsong Magada. Siya ay si Kristina. Maliban sa kanyang Mama, walang tumtawag sa kanyang Kristina. Mas kilala siya ng lahat ng tao bilang Jinky.

Medyo may kaliitan si Jinky. Mahaba ang kanyang buhok at my katabaan ng konti. Matalinong bata si Jinky ngunit medyo mahiyain pagdating sa kanyang guro at mga kaklase. Siya ang pinakamatalino sa Grade 1 Section 1. Wala nang bibilis pa kay Jinky sa pagbigkas ng buong alpabeto. Namamangha ang lahat ng kanyang kaklase tuwing bibigkasin niya ang buong alpabeto nang hindi tintingnan ang mga ito. Si Jinky lamang ang nakakapagbilang hanggang 100. Maliban sa batang lalaki mula sa Odiongan, si Jinky lamang ang mabilis na nakakasagot ng 1+1 hanggang 10+10. Hindi rin niya ginagamit ang kanyang mga daliri tuwing magbibilang. Malikhain rin ang kanyang pag- iisip. Sadyang matalinong bata si Jinky.

Sa kabila ng pagiging henyo ni Jinky, mayroon siyang suliranin sa paaralan. May kapangitan ang kanyang sulat kamay. Tila ibinigay na sa kanya ng langit ang lahat maliban sa magandang sulat kamay. Writing ang huling aralin araw- araw. Nanginginig at nagpapawis tuwing Writing Class si Jinky. Hindi siya mapalagay at tumitingin sa lahat ng sulok ng kwarto. Iniiwasang tingnan ang papel, lapis at eraser sa kanyang harapan. Isang mabigat na pasanin sa isang pitong taong gulang na bata. Nawawalan ng saysay ang kanyang magagandang komposisyon dahil sa kanyang sulat kamay.

Tuwing Sabado, inibilhan si Jinky ng bagong eraser sapagkat lagi itong nauubos tuwing Writing Class. Sa isang upuan, walong beses niyang uulitin ang "My name is Kristina D. Magada. My name is Kristina D. Magada..." Walong beses niyang buburahin ang lahat ng nakasulat sa kanyang papel bago niya papalitan ng panibagong papel. Ilang beses niya itong sinusulat bago tanggpin ng kanilang guro ang kanyang papel. Palaging tuliro at naging nerbyosa si Jinky. Natutunan niyang magalit sa Writing Clasds at sa kanyang guro. Natutunan niyang mahalin ang kanyang eraser.

Dahil sa sulirning ito, nagbunga nang dalawa png suliranin si Jinky. Ua, dahil sa kaba tuwing Writing Class, hindi apigilan ni Jinky ang mapaihi sa kanyang palda. Araw- araw siyang pinagtatawanan at tinutuksong "Jinkihi! Jinkihi!" Umuuwi siyang luhaan at basa ang palda. Ang ikalawang problema ay palagi siya ang huling estudyanteng umuuwi. Pakiramdam niya ay ibang undo na tuwing lalabas siya ng classroom at ang makikita niyang mga estudyante ay ang panghapon. Mga pasanin ito sa batang nabuhusan ng katalinuhan at pinagkaitan ng talento ng kamay.

Ang kanyang eraser ay hugis parihaba at abo ang kulay. Inaasam- asam sana ni Jinky na bilhan siya ng kanyang Mama ng eraser na hugis strawberry at amoy strawberry. Ngunit ang sabi ng kanyang Mama, mas mahal daw itp at mas mabisa ang kulay abo na eraser sa pagbubura ng mga mali sa papel. Hindi gaanong nalungkot si Jinky sapagkat naiintindihan niya ang halaga ng kanyang eraser. Sa lahat g kayang gamit pampaaralan, eraser ang ang araw- araw niyang ginagamit. Eraser ang araw- araw niyang kinakapitan. Eraser ang nabubuhusan niya ng sama ng loob. Eraser ang katulong niya sa pagbura ng mga masasama at pangit na pangitain sa kanyang papel. NAging matalik niya itong kaibigan. Kaya tuwing uuwi siyang luhaan at basa ang palda, mahigpit ang hawak niya sa kanyang eraser. Minsan pa nga ay natagpuan siya ng kanyang Mama na natutulog at hawak- hawak ng eraser sa kanang kamay.

Isang araw isang announcement ng kanilang guro ang nagpatingkad ng kislap sa kanyang mga mata at nagpabilis ng tibok ng kanyang puso. Isang contest sa pagsusulat ng pinakamagandang karanasan. Ang premyo ay mataas na marka at mga school supplies. Ipinakita ito ng kanilang guro sa klase. Bumilog sa laki at nagningning ang ga mata ni Jinky sapagkat sa loob ng supot ay tatlong eraser na hugis strawberry. Kinabukasan ang contest at buong araw iyon lamang ang kanyang iniisip. Inisip niy ang tatlong eraser. Napakaganda ng hugis nito, kamikhang- kamukha ang totoong strawberry. Nasisiguro niya mababango din ang mga ito

Sumapit ang gabi bago ang contest nang maalala ni Jinky ang sinabi ng kanyang guro. parang hinipan ng hangin anmg nag-aalb na pag- asa sa kanyang puso nang maalala niya ito. "Class, dapat maganda ang pagkkasulat at mas mataas ang puntos kung maganda rin ang sulat kamay." Sigurado si Jinky na kung paksa lamang ang pagbabasehan ay siya na nang mananalo. Ngunit kung isasama rin ang sulat kamay tila wala ng pag- asa. Hanggang doon lamang ba ang sasapitin niya? Magpapatalo ba siya sa isang pangit na sulat kamay? Tiningnan niya ang kanyang lumang eraser. Napupod na rin ito. Inisip niya ang tatlong mapupulang eraser sa loob ng supot. Hindi maaaring manood na lamang siya at maghintay. Buong gabi isa lang ang kanyang iniisip: "Akin ang eraser!"

Kinabuksan, nakaupo si Jinky sa harapan ng kanilang classroom kasama ang iba pang mag- aaral na bolutaryong sasali sa contest. Habang nagsasalita ang kanilang guro, hawk- hawak ni Jinky sa kanyang kaliwang kamay ang pudpod niyang eraser. Nagsusulat na gial ng mapansin ng guro ang mapupulang kamay ni Jinky. Hindi siya nagsalita tungkol dito. Isang oras matapos ang contest, nahusgahan na ang mga lahok na komposisyon. Tinawag siya ng kanyang guro at nakangiti ito sa knaya. "Jinky! Nanalo ka!" Ito sang masayang balita ng kanyang guro. Walang patid sa ngiti si Jinky at halos sumigaw siya sa tuwa. Ngunit umagsak ang lahat sa kanyang paligid ng marinig ang sumunod na sinabi sa kanya. "2nd place ka Jinky! Heto ang bagng pencil case. Sigurado mataas ang grade mo." Hindi na mapigilan ni Jinky ang pag- iyak. Naiyak siya ng tahimik at paulit- ulit na sinabi sa kanyang sarili,"Ayoko ng pencil case. Ayoko ng grade. Gusto k ng eraser. Akin ang mga eraser." Tumakbo siya pauwi sa kanilang bahay.

Hindi naintindihan ng guro ang nangyari. Napansin niya sa upuan ni Jinky ang kanyang naiwan na eraser. Ang kulay abo niyang eraser, pudpod na ito ngunit sa kanyang pagkamangha napansin rin niyang ni minsan ay hindi ito ginamit ni Jinky noong arw na iyon.

Pinuntahan ng guro si Jinky sa kanilang bahay nang hapng iyon. Hinarap siya ng Mama ni jinky. Nag- abot ng tatlong mapupulang eraser ang guro sa Mama ni Jinky, hindi raw ito nagustuhan ng batang lalaki na nanalo. Bago umalis ang guro ay inabot sa kanya ng ina ni Jinky ang isang malinis na papel. May nakasualt dito ng paulit- ulit, malinis ito at walang bura. Nasisiguro rin ng guro na isang buong gabi itong sinulat ng dahn- dahan upang maging maganda, maayos at hindi na gagamitan pa ng eraser. ang nakasulat dito ay "Ang Eraser Kong Strawberry."